Pagsasanay sa kurso “Larong Pampalakasan – ang kapangyarihan sa pagbibigay kakayahan sa mga kababaihan” ipinatupad sa Kenya na pinangunahan ng Neema Community Based Organisation noong Mayo 2018. Sa pagsasanay na ito, kasama ang 24 na batang manggagawa kung saan sinanay sila sa makipagtrabaho direkta sa mga kabataan at kababaihan na nadehado na nagmula sa mga hindi mauunlad na lalawigan, gamit ang mga bagong metodolohiya ukol sa edukasyon sa pamamagitan ng larong pampalakasan.
Nagsilbi silang tagaoagtaguyod ng pagbibigay kakayahan sa mga kababaihan sa kani kanilang mga lugar. Lahat ng kasali ay nagkaroon ng oportunidad na itaguyod buuin ang kanilang kaalaman at kasanayan at pagbutihin ang kalidad ng kanilang trabaho sa kani kanilang organisasyon. Ang malawak na aktibidad na naibigay ng pagsasanay ay nagsilbing gabay upang makamit ang mga layunin. Ang layunin ng pagsasanay na ito ay ang mga sumusnod:
- Pagusapan ang sitwasyon ng mga kabataang kababaihan sa buong Europa, Asya at Africa lalo na ang pagiging sangkot nila sa lipunan.
- Ibahagi ang magagandang pagsasanay na nauugnay sa tiyak na pagkakapantay pantay sa kasarian
- Labanan ang paguuri na nauugnay sa papel ng mga kababaihan sa lipunan
- Maintindihan ang sanhi ng hindi pagkakapantay pantay sa kasarian at ang resulta nito
- Maintindihan ang prinsipyo ng edukasyon sa pamamagitan ng metodolohiya ng larong pampalakasan
- Makalikha ng bagong paraan ng pagbibigay kakayahan sa mga kababaihan
- Magbigay kakayahan sa mga kababaihan pagdating sakanilang panlipunang suliranin
Sa simula ng kurso ng pagsasanay, bawat kinatawan ay nagbahagi ng trabahong ginagawa nila sa kani kanilang organisasyon at ipinresenta ang mga programa para sa pagbibigay kakayahan sa mga kababaihan upang kahit sino ay makapaglikha ng mas maiging pagiintindi sa paksa at sa ibat ibang pamamaraan na nagamit nila. Nagkaroon ng diskusyon ukol sa ibat ibang paraan upang malabanan ang paguuri kaugnay ng papel ng mga kababaihan sa lipunan. Lahat ng dumalo sa kursong pagsasanay ay nakinabang:
- Mathare Slum in Nairobi, kung saan ang mga dumalo ay bumisita sa local na simbahan, opisna ng NEEMA CBO at ang loka na paaralan, kung saan ang mga dumalo ay nakakuha ng mas malawak na pagunawa kung paano gumagana ang sistema ng edukasyon sa Kenya, kung paano gumaga ang Sistema ng NEEMA CBO at kung paano nila atakihin ang problema sa hindi pagakapantay pantay sa kasarian. Mula sa bisitang ito, nagkaroon din ng diskusyon ukol sa sitwasyon ng mga kabataang kababaihan sa buong Europa, Asya at Africa at mas lalong naintindihan ang sanhi ng hindi pagakapantay pantay sa kasarian at kung anong naidudulot nito.
- Mathare Youth Sports Association (MYSA), kung saan ang mga dumalo ay natuto ng ibat ibang pamamaraan ng asosasyon sa pag gamit ng larong pampalakasan upang mapalawak ang panlipunang at pang ekonomiyang pag-unlad, habang inaapaktuhan din ang positibong pagbabago sa lipunan. Pinresenta ng kinatawan ng MYSA ang kanilang Sistema, ang kanilang mga nakamit at ibinahagi ang kanilang mga ispesyal na programa sa pagbibigay kakayahan sa mga kababaihan. Sa bisitang ito, ang mga dumalo ng kursong pagsasanay ay nakatanggap ng magandang pagsasanay kaugnay ng pagtitiyak sa pagkakapantay pantay na tingin sa kahat ng kasarian at kanilang naintindihan ang prinsipyo ng edukasyion sa pamamagitan ng metodolohiya ng larong pampalakasan.


