Pagpupulong ng mga pinunong Pambansa sa Nepal na pinangunahan ng organisasyon na “Go Sports Nepal” noong Oktubre 2018 kung saan 15 na pinuno ang sumuri sa pang kalagitnaang pagta-trabaho ng proyekto. Ang mga dumalo ay nagkaroon ng diskusyon tungklo sa konkretong local na mga kaganapan na may kaugnayan sa proketo ng bawat bansa. Kami ay bumisita sa palaruan ng football ng Nepalya English Public School, kung saan ang Go Sports Nepal ay nagbigay ng kaalaman at kamalayan sa 60 na kababaihang manlalaro ng Football.
Sa panglawang araw ng pagpupulong kasama si Ginoong David Durkan, kung saan sya ay nag organisa ng mga panlipunang aktibidad para sa mga kababaihan sa kabundukan ng Nepal, at nag trabaho direkta sa organisasyon ng kababaihan ng Beni Hand Cratfs
Nagkaroon kami ng pagkakataon na bisitahin ang All Nepal Football Association (ANFA) sa Complex Satdobato, kung saan ang opisyal ng internasyonal na ugnayan na si Ginoong Nabin Oandey ay nag presenta ng mga local na programa na meron sila para sa kabataang kababaihan. Ibinahagi nya din ang mga hamon na hinaharap nila sa Nepal pagdating sa pambansang antas na kailangan nilang maabot, at kung paano mahihikayat at mapapanatili ang mga kababaihan sa aktibidad sa larong pampalakasan.